
Nagbabalik ang actress at host na si Anne Curtis sa noontime variety show na It's Showtime noong Lunes (June 2).
Sa pagbabalik ni Anne sa programa, mainit siyang sinalubong ng kanyang It's Showtime family at masaya niyang binati ang Madlang Pipol. Makikita rin ang bagong wolf cut hairstyle ng aktres, na aniya'y para sa isang proyektong gagawin nila ng direktor na si Erik Matti.
Bukod dito, nagkuwento din si Anne tungkol sa kanilang experience na ma-meet ang Korean star na si Song Hye-kyo.
“Mabait siya. She's really really nice and I was just so happy to meet her,” aniya.
Matatandaan na mayroong larawan si Anne kasama ang Filipino fashion influencer na si Bryan Boy at Song Hye-kyo sa South Korea. Nagtungo ang aktres sa naturang bansa kamakailan upang dumalo sa kasal ng model-entrepreneur na si Irene Kim.
Nag-trending din noong Lunes sa X (formerly Twitter) ang pagbabalik ni Anne sa It's Showtime at pinag-usapan ito ng netizens.
Samantala, subaybayan ang It's Showtime tuwing Lunes hanggang Sabado, 12 noon, sa GMA at Kapuso Stream.