GMA Logo klarisse de guzman
PHOTO COURTESY: It’s Showtime, klarissedguzman (Instagram)
What's on TV

Klarisse De Guzman on coming out: 'Isa akong bahaghari, I'm proud of that'

By Dianne Mariano
Published June 21, 2025 1:33 PM PHT
Updated June 22, 2025 4:12 PM PHT

Around GMA

Around GMA

House elects 11 lawmakers to bicam panel on 2026 national budget
PNP defends protocol in arrest during carnapping

Article Inside Page


Showbiz News

klarisse de guzman


Agad na naging trending sa X ang pagbabalik ng dating Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition housemate na si Klarisse De Guzman sa 'It's Showtime.'

Talagang “OA” sa saya ang FUNanghlian ng madlang people dahil nagbabalik ang Philippines' Soul Diva at ex-Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition housemate na si Klarisse De Guzman sa It's Showtime ngayong Sabado.

Isang pangmalakasang song performance ang hatid ni Klarisse nang awitin niya ang mga kantang “Beautiful” at “Fighter” sa stage. Matapos ito, pinuri ng hosts ng noontime variety show ang husay ni Klarisse sa pag-awit.

Labis naman ang pasasalamat ng Kapamilya singer sa lahat ng naniniwala at sumuporta sa kanya sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition.

“Maraming, maraming salamat po sa lahat ng sumusuporta sa PBB Collab. Actually, hindi po talaga namin in-expect na ganito. Nagulat po ako sa paglabas ko na ganito po karami ang nanonood ng PBB Collab.

“Maraming salamat po sa lahat ng sumuporta sa amin ng ShuKla! Thank you so much po. Maraming salamat po sa pagmamahal. Grabe, hindi po ako makapaniwala. Feeling Gen Z na ulit ako, kung kailan tumanda,” ani Klarisse.

Sa pagdating naman ni Unkabogable Star Vice Ganda ay agad silang nagyakapan ni Klarisse. Nagpasalamat din ang Kapamilya star sa suporta ng It's Showtime host at nagbatian sila ng Happy Pride.

Ayon kay Klarisse, masayang-masaya siya dahil naipakita na niya sa lahat ang kanyang tunay na sarili.

“Super [happy] kasi finally hindi na ako takot. Wala na akong tinatago. Isa akong bahaghari, I'm proud of that,” aniya.

Dagdag pa niya, “Sobrang saya. Actually hindi naman po talaga ako papasok ng PBB, Meme, kung hindi ako handa. And sobrang handang-handa ako, hinihintay ko lang ang tamang pagkakataon. Hangga't nakita ko si Michelle [Dee], I think it's time and sobrang saya. Ang saya sa pakiramdam na wala ka talagang tinatago na sa dibdib mo. And finally, kaya ko nang ipagsigawan.”

May sweet na mensahe rin si Klarisse para sa kanyang partner na si Trina.

Aniya, “Hi Trina! Thank you, dahil hindi mo ako iniwan kahit sa mga pagkakataong hindi kita mapagsigawan. And ito finally, ngayon masasabi ko na, I love you, Trina! Love Wins!”

Related gallery: Meet Christrina Rey, PBB housemate Klarisse De Guzman's supportive
partner

Agad naman na naging trending sa X (dating Twitter) ang pagbabalik ni Klarisse sa It's Showtime.

Matatandaan na sina Klarisse De Guzman at Shuvee Etrata ay ang latest evictees sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition.

Samantala, ang mga natitirang celebrity duos sa loob ng Bahay ni Kuya ay ang CharEs (Charlie Fleming at Esnyr), DusBi (Dustin Yu at Bianca De Vera), AzVer (AZ Martinez at River Joseph), BreKa (Brent Manalo at Mika Salamanca), at RaWi (Ralph De Leon at Will Ashley).

Subaybayan ang It's Showtime tuwing Lunes hanggang Sabado, 12 noon, sa GMA at Kapuso Stream.

KILALANIN PA SI KLARISSE DE GUZMAN SA GALLERY NA ITO: