
Pasabog na birthday prod ang hatid ng host-dancer na si Jackie Gonzaga kahapon, November 1, sa It's Showtime nang ipagdiwang ang kaniyang kaarawan.
Matapos ang kaniyang performance on stage, ibinahagi ni Jackie ang kaniyang birthday plans.
“Ang plano ko bukas since Linggo, walang pasok, pupunta ako ng sementeryo. Ipagdasal natin 'yung mga mahal natin sa buhay na nandoon na,” pagbabahagi niya.
Present naman sa studio ng noontime variety show ang ina ni Jackie na si Mommy Luisa at nagbigay siya ng heartwarming message para sa kaniyang anak.
“Nak, happy happy birthday. Basta mahal na mahal ka namin, sana matupad mo lahat ng pangarap mo,” aniya.
Inilarawan din ni Mommy Luisa si Jackie bilang isang napakabuting bata at nagpasalamat sa lahat ng bumubuo ng It's Showtime dahil sa pag-aalaga sa kaniyang anak.
“Nagpapasalamat po ako sa buong Showtime family, sa staff, lahat, lalo na kay Meme [Vice Ganda] sa pag-aalaga niya sa anak ko. Napakabuting bata. Mahal na mahal ka namin, at ramdam ko mahal ka ng buong Showtime fam. Salamat po,” dagdag niya.
Hindi naman napigilan ni Jackie na maluha nang magbigay ng mensahe ang kaniyang ina.
Ayon naman kay Jackie, ang kaniyang birthday wish ay mabuting kalusugan para sa kaniyang pamilya at It's Showtime family, peace of mind, happiness, happy heart, at mas marami pang blessings.
Sa Instagram story, ibinahagi ng Unkabogable Star na si Vice Ganda ang Reel ni Jackie at binati siya sa kaniyang kaarawan.
"My angel baby! Happy birthday!" sulat niya.
Samantala, subaybayan ang It's Showtime Lunes hanggang Sabado, 12 noon, sa GMA at Kapuso Stream.
RELATED GALLERY: Meet Jackie Gonzaga, the certified hot babe of 'It's Showtime'