Here's what went down on It's Showtime's debut on GMA

Isang makasaysayang pangyayari ang nasaksihan ngayong Sabado (April 6) dahil umere na ang It's Showtime sa GMA.
Pasabog na opening number ang inihanda ng hosts ng naturang noontime variety show na sina Anne Curtis, Vhong Navarro, Jhong Hilario, Teddy Corpuz, Jugs Jugueta, Karylle, Ryan Bang, Kim Chiu, Ogie Alcasid, Amy Perez, Ion Perez, MC, Lassy, Darren Espanto, Jackie Gonzaga at Cianne Dominguez.
Bukod dito, isang nakakamanghang birthday performance ang hatid ng Asia's Unkabogable Phenomenal Superstar na si Vice Ganda.
Napanood din sa It's Showtime ang Kapuso stars na sina Jillian Ward, Gabbi Garcia, Sanya Lopez, Glaiza De Castro, Mikee Quintos, Mark Bautista, Nadine Samonte, Christian Bautista, Jake Vargas, at Chanty ng Lapillus at sila'y naglaro sa “KaraoKids.”
Samantala, sumalang ang Kapuso actress-beauty queen na si Michelle Dee sa “EXpecially For You” at kasama niya rito ang kanyang inang si Melanie Marquez.





















