Vice Ganda sends out an important message during 'It's Showtime' launch on GMA

GMA Logo Vice Ganda on its showtime
SOURCE: GMA YouTube Channel

Photo Inside Page


Photos

Vice Ganda on its showtime



April 6 is a date to remember for Madlang Kapuso and Kapamilya as hit noontime show It's Showtime finally made its debut on GMA Network after they signed the contract last March 20.

It's Showtime hosts prepared an all-out opening performance that strengthened their connection with GMA Network even further. Among them was Asia's Unkabogable Phenomenal Superstar Vice Ganda who also performed as a way to celebrate her birthday which was on March 31.

In one part of her performance, Vice Ganda left an inspirational message through spoken poetry.

“I am Vice Ganda -- a dreamer, a fighter, [and] a winner. Isang batang baklang nanggaling sa isang payak at makulay na barangay sa Maynila. Sino'ng makapagsasabing aabot ako sa kinatatayuan ko ngayon -- [sa] isang pambihirang posisyon.”

She continued, “Paano nga ba ako napunta [rito]? Simple lang ang sagot ko: [nandito] ako dahil nangarap ako, kumilos ako, [at] nanalig ako. Natalo, nanalo, natalo, at muling nanalo -- at masakit man sa kalooban ng ilan -- hanggang ngayon [ay] nananalo pa rin ako.”

Vice also said a heartfelt reminder to continue to dream while looking at reality.

“At habang nagtatagumpay ako ay patuloy pa rin akong nangangarap [dahil] kailangan natin mabuhay sa pangarap at hindi sa panaginip. [Dahil] ang panaginip ay mawawala at maaaring malimot sa muling paggising ng iyong diwa, pero ang pangarap ay mananatiling buhay at nagsasalita. Tulog ka man o gising, araw man o gabi, [ang pangarap ay] 'di nauupos hanggang patuloy kang naniniwala.”

However, she mentioned that there will be obstacles and people who will try to hinder the process to winning.

“[Hindi] magiging madali ang haharapin nating buhay at lalong hindi madali ang pagkamit ng tagumpay. May mga makikilala kang mga tao na tutulungan ka dahil totoong nagmamahal at naniniwala sa 'yo; may mga tao rin na tutulungan ka dahil sa dulo ay may pakay pala sa 'yo. May mga taong sa simula ay gusto kang magtagumpay, pero pag nahigitan mo sila [ay] ituturing ka nang kaaway.”

Still, Vice Ganda found a way to tell everyone to step up, especially those part of the LGBTQIA+ like her: “Ngunit dahil sa determinasyon at lakas ng loob, magtatagumpay ka; at kung kaya ko ay kaya mo. Kaya kung isa kang bakla na ngayon ay nakatulala at nag-iisip ng gagawin mo sa lipunang sa tulad mo ay mapanghusga at mapangutya, tumindig ka at ipakita mo ang husay mo.”

She continued, “Pakapalin mo ang tapang at apog mo habang pinapakapal mo ang koloreta sa pagmumukha mo. Pagandahin mo nang pagandahin ang buhay mo; 'wag kang titigil hanggang hindi dumarating ang araw na lahat ng 'di tumanggap at ['di] nagmahal sa'yo ay nangangarap na ng kahit katiting na pagtingin mo.”

With that, Vice also has a reminder for those who will achieve success: “[Kapag] nangyari 'yan [ay] gumanti ka, pero hindi galit ang ibabalik mo sa kanila [kung hindi] pag-ibig na kusang dumadaloy sa puso mo [na] 'sing ganda ng bahaghari.”

On the other hand, Vice did not forget those whose situations are not the best as of the moment.

“At kung ngayon ay dumaranas ka ng hirap sa buhay, makinig ka: habang kumakalam ang sikmura mo, magalit ka; hindi sa sarili mo, kundi sa sitwasyon mo.”

“Isumpa mo ang gutom at [manumpa] kang kikilos ka at babangon ka hanggang makatakas at makalaya ka sa kahirapan na kung saan ngayon ay nakakulong ka. 'Wag kang papayag; kailangan mong pumalag [at] huwag mong isiping hanggang diyan ka na lang [dahil] may naghihintay sa iyong paraiso kung kikilos ka lang. Kaya mo pa; may oras pa.” Vice added.

She also said something about making the best out of ever obstacle and hindrance around: “Sa pagkamit ng tagumpay mo [ay] maraming haharang sa'yo, hihila sa'yo, aabala sa'yo, gagambala sa 'yo, at babato sa'yo para huminto ka [at] 'di tumuloy ang usad mo, [pero] 'wag kang hihinto. Ipunin mo ang bawat batong ipinupukol sa'yo at gawing pundasyon sa tinatayo mong palasyo.”

Toward the end of her speech, Vice left a powerful message.

“Ito ang tandaan mo: isinilang ka para maranasan ang lahat at kasama [roon] ang manalo. Napatunayan ko 'yan sa paglalakbay ko mula sa aming lugar hanggang sa comedy bar, hanggang sa tawagin akong Asia's Unkabogable Phenomenal Box Office Superstar.”

It's Showtime started airing today, April 6, on GMA Network and will be broadcast simultaneously on GTV and Kapuso Stream from Monday to Saturday.

MEANWHILE, CHECK OUT VICE GANDA'S 'UNKABOGABLY MOTHERING' BIRTHDAY PHOTOSHOOT HERE:


Unkabogable 
Pictorial 
Glam 
Slay 
Cool

Greetings
Celebration

Around GMA

Around GMA

St. Luke's inhaler clinic opens to improve asthma, COPD patient care
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBU