'Tawag ng Tanghalan Kids' Season 2 grand finale highlights

Nasaksihan ang grand finale ng ikalawang season ng "Tawag ng Tanghalan Kids" noong nakaraang Sabado (April 20) sa It's Showtime.
Bigating solo performances ang ipinamalas ng grand finalists na sina Kim Hewitt, Dylan Genicera, Aliyah Quijoy, Thirdy Corpuz, Shawn Hendrix Agustin, Diane Grace Duran, Neithan Perez, at Clet Nicole Fiegalan.
Nagwagi si Kim Hewitt ng Dumaguete City, na nakakuha ng score na 96.7 percent, bilang grand champion ng naturang singing competition.
Sa kanyang panayam kasama ang GMANetwork.com, labis ang saya ni Kim nang inanunsyo ang kanyang pagkapanalo. Aniya, “Happy [and] tears of joy."
Inaalay naman ni Kim ang kanyang pagiging grand champion sa kanyang magulang at vocal coach.
Itinanghal naman si Dylan Genicera bilang second placer habang si Aliyah Quijoy ang third placer.
Balikan ang mga naganap sa "Tawag ng Tanghalan Kids" Season 2 grand finale sa gallery na ito.



















