ICYMI: Team Ogie, Kim, MC, and Lassy, emosyonal sa kanilang 'Magpasikat 2024' win

Inanunsyo na kamakailan ang resulta ng “Magpasikat 2024” ng noontime variety show na It's Showtime.
Nagwagi ang team nina Ogie Alcasid, Kim Chiu, MC, at Lassy bilang champion ng “Magpasikat 2024,” na bahagi ng 15th anniversary celebration ng programa.
Matatandaan na ipinakita ng nasabing team ang kahalagahan ng pagpapahinga at self-care sa pamamagitan ng kanilang performance. Agad naging emosyonal sina Ogie, Kim, MC, at Lassy matapos ianunsyo ang kanilang pagkapanalo at niyakap sila ng co-hosts nila.
Ido-donate ng Team Ogie, Kim, MC, and Lassy ang kanilang napanalunang P300,000 sa Angat Buhay Foundation para sa relief operations ng mga nasalanta ng Typhoon Kristine.
BALIKAN ANG NAGANAP SA HULING ARAW NA "MAGPASIKAT 2024" SA GALLERY NA ITO.









