GMA Logo Jewel in the Palace
What's on TV

Jewel in the Palace: Pagpasok ni Jang Geum sa palasyo | Week 2

By Aimee Anoc
Published December 18, 2023 11:17 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Travelers head out for Christmas break
Holiday exodus in W. Visayas, Negros Occ starts
Christmas gift ideas for your girl besties

Article Inside Page


Showbiz News

Jewel in the Palace


Tinupad ni Jang Geum ang kahilingan ng kanyang ina na maging tagapaglingkod ng hari.

Sa ikalawang linggo ng Jewel in the Palace, humanap ng paraan si Jang Geum para tuparin ang kahilingan ng kanyang ina na makapasok sa palasyo at maging tagapamahala sa kusina.

Dahil sa hindi na maayos na pamamahala ng kasalukuyang hari na si Yeonsangun, nagplano ng pag-aaklas si Ministro Park para gawing hari si Prinsipe Jinsung.

Nagpadala ng mensahe si Ministro Park kay Prinsipe Jinsung sa pamamagitan ng isang regalo at si Jang Geum ang naatasang magbigay ng regalong ito sa prinsipe. Inihatid niya ang apat na bote ng wine sa prinsipe at sinabing inumin ito ayon sa pagkakasunod-sunod.

Nang malaman ng prinsipe ang nakatagong mensahe sa bote ng mga alak, hindi niya naiwasang mag-alala sa pinaplanong rebelyon ng ministro para gawin siyang susunod na hari. Inihatid naman ni Jang Geum kay Ministro Park ang mensahe ni Prinsipe Jinsung.

Sa pag-alis ni Jang Geum sinabihan ng prinsipe si Lady Kim kung maaaring tuparin ang hiling ni Jang Geum na maging tagapaglingkod ng hari.

Nang maging hari na si Prinsipe Jinsung bilang Haring Jungjong, nagpadala ng mga tagapagsilbi si Lady Kim sa tinitirhan ni Jang Geum para dalhin siya sa palasyo. Naging matagumpay ang pagpasok ni Jang Geum sa palasyo bilang tagapaglingkod ng hari.

Patuloy na subaybayan ang Jewel in the Palace, Lunes hanggang Biyernes, 2:30 p.m., at Sabado, 3:00 p.m. sa GTV.

Panoorin ang Jewel in the Palace at iba pang GTV shows sa mas malinaw na digital display sa GMA Affordabox! Para naman sa on the go, 'wag magpahuli sa inyong paboritong Kapuso programs gamit ang GMA Now sa inyong Android phones!

Mabibili ang GMA Affordabox at GMA Now sa iba't ibang appliance stores at malls, o kaya naman online sa GMA Store at sa official stores ng GMA sa Shopee at Lazada.

BALIKAN ANG MGA NAGANAP SA UNANG LINGGO NG JEWEL IN THE PALACE SA GALLERY NA ITO: