Ngayong Pasko, ito and cutest and perfect gift to give- ang Jillian doll! Naglalakad! Sumasayaw! Nagsasalita at marami pa itong kayang gawin!
Meron din itong isang hiling: ang maging tunay na bata. Gusto niyang maging bata para maalagaan niya ang mga magulang ni Dolly, ang batang nagmamay-ari sa kanya pero wala na. Nangako siya kay Dolly bago ito pumanaw na ‘di niya pababayaan ang Mommy at Daddy nito – at magagawa lang niya ‘yun pag naging tunay na bata siya. Sabi ni Santa Claus, kailangan niya munang matutunan ang iba-ibang aral para patunayang karapat-dapat siyang maging tunay na bata.
Mapatunayan nga kaya ni Jillian ‘yun para maging real little girl na siya? Matupad kaya niya ang ipinangako niya? Panoorin ang Jillian: Namamasko Po! simula November 29, sa GMA Telebabad.