
Nagsimula na ang taping para sa second season ng hit sitcom na Jose & Maria's Bonggang Villa.
Matapos magpaiyak nina Kapuso primetime couple Dingdong Dantes at Marian Rivera sa box office movie nila na “Rewind”, maghahatid naman sila ng good vibes sa pagganap nila ulit bilang Jose at Maria.
Eksklusibong nakapanayam ng Unang Hirit ang DongYan sa shoot ng kanilang sitcom at dito, sinabi ng Kapuso Primetime King na na-miss nila ang buong cast ng show.
Lahad ni Dong, “Sobrang na-miss namin ang isa't isa kaya kanina nung dumating kami, parang hindi naging one year and eight months [kami na hindi nagkita-kita] 'di ba. Parang, kahapon lang.”
Ayon naman kay Marian, may isang eksena na ginawa ang mister sa kanilang taping na talagang tumatak sa kaniya.
Dagdag pa ng Kapuso Primetime Queen, makikita ng manonood ang different side ng kaniyang mister sa Jose & Maria's Bonggang Villa.
“Dito nila makikita ang komedyante side ni Dong. Kanina pa lang may isang eksena kami na may ginagawa siya. Tawa na lang kami nang tawa sa likod. Sabi ko, 'Ah, ibang Dingdong naman ang makikita nila'.” saad ng award-winning actress.
INSET: JMBV 1-3
IAT: Marian Rivera shares highlights of JMBV taping xx Source: marianrivera (IG)
Samantala, inanunsyo na rin na bagong cast member sa show, ang Sparkle comedienne na si Pokwang.
Mapapanood ulit sa Jose & Maria's Bonggang Villa sina Pinky Amador, Shamaine Buencamino, Pekto, Hershey Neri, Loujude Gonzalez, Jo Marie, at Johnny Revilla.
INSET: JMBV 4
IAT: new cast member Pokwang xx Source: Unang Hirit
CAREER HIGHLIGHTS OF DONGYAN: