
Bonggang-bongga ang suporta ng viewers at fans sa grand opening ng Jose and Maria's Bonggang Villa 2.0 noong Sabado ng gabi, January 20.
Talagang na-miss ng mga Kapuso ang paghahatid ng good vibes ng Kapuso Primetime couple na sina Dingdong Dantes at Marian Rivera bilang Jose at Maria.
Base sa datos na nakalap ng NUTAM People Rating, umariba ang DongYan sitcom na nakakuha ng 8.8 percent TV ratings kontra sa katapat nitong programa!
Mukhang extra challenging para kay Jose (Dingdong Dantes) na malaman na ang powers na makakita ng multo ay nalipat sa kaniya.
Paano kaya niya tutulungan ang espiritu na nanggugulo sa bagong Bonggang Villa? Alamin ang nangyari sa videos below!
Ang panibagong simula nina Jose and Maria! (Full EP 1)
Ang third eye problems ni Jose!
Marielou, game sa promotion!
Bongga Babes VS Bongga Brothers
Marian Rivera, stuck on rewind?!
Jose, hinarap ang kinakatakutan!
Tutukan ang kulit episodes ng Jose and Maria's Bonggang Villa 2.0, before Pepito Manaloto: Tuloy Ang Kuwento tuwing Sabado ng gabi!