
May big surprise na nangyari sa Saturday episode ng high-rating Kapuso sitcom na Jose & Maria's Bonggang Villa 2.0 dahil kinumpirma nina Jose (Dingdong Dantes) at Maria (Marian Rivera) sa Team Bonggang Villa na magiging magulang na sila!
Ramdam din ang excitement ng viewers at netizens sa bagong chapter na ito ng mga karakter na ginagampanan ng Kapuso Primetime couple na sina Dingdong Dantes at Marian Rivera.
May hirit naman ang DongYan fans na sana sa totoong buhay ay pregnant na rin daw ang Kapuso Primetime Queen.
May dalawang anak na sina Dong at Marian na sina Zia na isinilang niya noong 2015 at ang bunso naman nila na si Sixto ay ipinanganak noong April 2019.
Para sa mas bonggang update at exclusive content ng Jose & Maria's Bonggang Villa 2.0, please visit GMANetwork.com.