
Punong-uno ng kilig ang Instagram post ng Kapuso Primetime Queen Marian Rivera tungkol sa kaniyang mister na si Dingdong Dantes na tinawag niyang “favorite leading” man.
Ilang beses nang nagtambal ang DongYan sa hindi mabilang na projects tulad ng MariMar (2007), Dyesebel (2008), Endless Love (2010) at My Beloved (2012).
At ngayong Sabado ng gabi, muling mapapanood ang DongYan sa world premiere ng comeback project nila, ang sitcom na Jose and Maria's Bonggang Villa.
Sa post ni Mrs. Dantes, katuparan daw ng pangarap niya na makasama sa isang sitcom si Dingdong.
Sabi ng multi-awarded actress, “To my fave leading man on and off cam, finally after 10 years we're working together again in a show! It's always been my dream to do a sitcom and it's more special because it's with you.”
Marami namang netizens and celebrities ang pinusuan ang mensahe na ito ni Marian para sa mister.
Gaganap ang Kapuso Primetime couple bilang mag-asawang Jose at Maria na magtatayo ng BNB na tatawagin nilang Bonggang Villa. Ang multi-talented comedian and host na si John 'Sweet' Lapus ang direktor ng much-awaited primetime sitcom na ito ng DongYan.
Silipin ang cast ng sitcom sa gallery na ito: