GMA Logo Jose and Marias Bonggang Villa
What's on TV

'Jose and Maria's Bonggang Villa,' nagtala ng bonggang ratings sa world premiere nito!

By Aedrianne Acar
Published May 16, 2022 5:26 PM PHT

Around GMA

Around GMA

12-hour brownout in areas of Iloilo City set on Dec. 7, 2025
How Innovation is Transforming Healthcare
Miss Cosmo Philippines Chelsea Fernandez lights up the runway with red swimsuit

Article Inside Page


Showbiz News

Jose and Marias Bonggang Villa


DongYan is definitely back! World premiere ng 'Jose and Maria's Bonggang Villa' umani ng mataas na ratings.

Muling pinatunayan ng Kapuso power couple na sina Dingdong Dantes at Marian Rivera na sila ang “king and queen” ng primetime, matapos makapagtala ng double-digit TV rating ang world premiere ng kanilang new sitcom na Jose and Maria's Bonggang Villa.

Base sa datos mula sa NUTAM People Ratings, malaki ang agwat ng Jose and Maria's Bonggang Villa sa katapat nitong programa matapos ito makakuha ng 13.5 percent noong May 14.

Taos-puso naman ang pasasalamat ni Marian Rivera sa Facebook sa mainit na pagtanggap ng Kapuso viewers sa much-awaited TV project nila ng kaniyang mister.

Bumuhos naman ang pagbati mula sa kanilang fans na tinutukan ang pilot episode ng kanilang sitcom noong Sabado at umani rin ito ng maraming positive reviews sa Twitter Philippines.

Kaya mga Kangkungers, walang bibitaw sa good vibes na hatid nina Jose (Dingdong Dantes) at Maria (Marian Rivera) sa Sabado Star Power sa gabi, pagkatapos ng Pepito Manaloto!

Kilalanin ang versatile at funny cast ng Jose and Maria's Bonggang Villa sa gallery na ito.