
Sa ikalawang linggo ng hit Korean historical drama na Jumong, naging hari na ng Buyeo si Geum-wa at isa na rin sa mga asawa niya si Lady Yuhwa. Pinalaki ni Haring Geum-wa si Jumong na parang tunay na anak (si Jumong ay anak ni Lady Yuhwa kay Haemosu). Sa Buyeo, kilala si Jumong bilang isang prinsipe, anak nina Haring Geum-wa at Lady Yuhwa.
Dahil sa pagmamahal kay Lady Yuhwa, napabayaan na ni Haring Geum-wa ang emperatris, na ina ng tunay niyang mga anak na sina Prinsipe Daeso at Prinsipe Young-po. Kaya naman ganoon na lamang ang inggit at galit ng dalawang prinsipe kay Jumong.
Para makapaghiganti, iniwan nina Prinsipe Daeso at Prinsipe Young-po si Jumong sa daan papuntang Sagradong Bundok kung saan naging bihag ito ng pangkat ni So Seo-no, ang nag-iisang anak ni Yuntabal, pinuno ng Gyeruh na ipinagbili noon si Haemosu sa Emperyo ng Han.
Nang makabalik na sa Buyeo, sinabi nina Prinsipe Daeso at Prinsipe Young-po kay Haring Geum-wa na may nakita silang pana mula sa Damul. Habang itinanggi naman ni Jumong na nakarating siya sa Sagradong Bundok.
Dahil sa nangyari sa anak, nakiusap si Lady Yuhwa kay Musong, dating guwardiya sa palasyo, na turuan ng martial arts at gumamit ng espada ang anak.
Patuloy na subaybayan ang Jumong, Lunes hanggang Biyernes, 2:00 p.m. sa GTV.
Panoorin ang Jumong at iba pang GTV shows sa mas malinaw na digital display sa GMA Affordabox! Para naman sa on the go, huwag magpahuli sa inyong paboritong Kapuso programs gamit ang GMA Now sa inyong Android phones!
Mabibili ang GMA Affordabox at GMA Now sa iba't ibang appliance stores at malls, o kaya naman online sa GMA Store at sa official stores ng GMA sa Shopee at Lazada.