
Isang episode na puno ng tawanan at bukingan ang napanood sa Just In dahil sa pagbisita ng mga kaibigan ni Paolo Contis na sina Valeen Montenegro at Chariz Solomon.
Sa episode na ito ay ibinahagi nila ang kuwento bago sila mag-showbiz at pati na rin ang kanilang buhay bilang cast ng Bubble Gang.
PHOTO SOURCE: Sparkle GMA Artist Center
Bukod sa mga ito, sumalang rin sina Valeen at Chariz sa segment na spit or swallow. Dito pipiliin nila ang spit kapag hindi sila pabor sa topic or swallow kung pabor naman sila rito.
Isa sa mga itinanong ni Paolo ay kung pabor ba silang dalawa sa live-in setup ng magkarelasyon.
Diretsong sagot ni Chariz, "Hindi ako magpapakaipokrita kasi nag-live in kami ng husband ko. Nag-live in kami bago kami kinasal."
Dugtong pa ng Kapuso comedian nagpapakatotoo lamang siya pero hindi niya sinasabing gayahin ito ng mga tao.
"Hindi ko naman puwede sabihin na hindi okay kasi naging okay sa akin. Hindi ko sinasabing gayahin ninyo, pero I'm not against it."
Si Valeen ay diretso rin sa pagsabing pabor siya rito dahil sa ito ang kanilang setup ngayon. Si Valeen ay napabalitang engaged na sa non-showbiz boyfriend niyang si Riel Manuel noong November 2022.
Ani Valeen, "Same kasi 'yan ang situation ko ngayon. Kakapagawa lang namin ng condo, kakalipat lang namin."
Pagdating naman sa pakikipagkaibigan sa dating karelasyon, pabor raw si Chariz dito. Biro pa niya, "Siya lang may ayaw. Shoutout sa 'yo."
Si Valeen naman ay pabor din dito pero nilinaw niyang wala siyang naging kaibigan sa mga naging ex-boyfriend niya.
Kuwento ni Valeen, "Wala akong naging friends sa mga naging ex ko, pero ako okay na ako. Nakapag-move on na ako, alam mo 'yun, i-swallow na rin natin."
Panoorin ang masayang episode na ito ng Just In:
SAMANTALA, BALIKAN ANG CAREER MILESTONES NG JUST IN HOST NA SI PAOLO CONTIS: