
No-holds-barred ang one-on-one chikahan ng versatile actor na si Paolo Contis sa kaniyang mga Bubble Gang co-stars na sina Chariz Solomon at Valeen Montengero sa online talk show na Just In.
Maraming nalaman ang netizens sa viral sketch ng dalawa na "Balitang Ina'" kung saan gumaganap sila bilang dalawa na Mommy Karen at Mommy Vicky.
Matatandaan na sinabi na noon ni Chariz na ang dati nilang Kababol ang naka-isip ng idea tungkol sa sikat na sketch na ito ng Bubble Gang.
Kuwento noon ni Cha, “Ang nag-pitch nito, tama ba ako? Correct me if I'm wrong, ang nag-pitch nung idea when we were having dinner one time is RJ Padilla, bago siya magpunta ng Australia noon.”
Sa Just In, itinanong ni Paolo si Valeen kung may agam-agam ba siya na babagay sa kaniya 'yung role bilang Mommy Vicky.
Sagot ng mestiza actress, “Ako hindi ko naisip na hindi bagay sa akin, kasi kasama ko siya [points to Chariz].”
“Gumo-go with the flow lang talaga ako sa kaniya. Kasi alam ko, alam niya ginagawa niya.”
Sunod na paliwanag naman ni Chariz, “No, I think alam mo siya, kasi friends na kami nun before Balitang Ina. Nakita na nila 'yung rapport.”
Tinalakay din ng dalawa Kapuso comediennes sa Just In ang mga dream roles na gusto pa nilang gawin.
Para kay Chariz, gusto pa niya gumawa ng project na may tema na “action at comedy”. Paliwanag niya kay Paolo, “Gusto ko 'yung comedy-action. Mero'n kasi pinitch sa akin na movie before pandemic na hindi natuloy. Na action-comedy siya na ang ganda nung premise, e, hindi natuloy. Medyo, ka-peg nung kay Kill Boksoon na sayang hindi natuloy.”
Balikan ang buong panayam sa mga Balitang Ina hosts DITO.
HETO ANG ILAN SA FUNNY BALITANG INA MEMES ONLINE: