
Huwag magpahuli sa exciting na episode ng Just In dahil magkakasama sa masayang kuwentuhan sina Paolo Contis at Joross Gamboa.
Mapapanood ang pagbisita ni Joross sa Just In ngayong Miyerkules, May 24.
Ayon sa Sparkle GMA Artist Center, siguradong puno ng tawanan ang episode na kanilang pagsasamahan.
"Joross Gamboa in da hauz everybody! Sureball na laughtrip 'to," sabi sa caption ng Sparkle.
Huwag magpahuli sa mga episodes na puno ng tawanan at kuwentuhan sa Just In. Abangan ang latest episode ngayong May 24 at 8:00 p.m. sa Facebook page at YouTube channel ng Sparkle at sa Facebook page ni Paolo Contis!