
Isang masayang kuwentuhan ang napanood sa season finale ng Just In dahil nakasama ng host na si Paolo Contis ang actor-comedian na si Joross Gamboa.
Sa naturang episode, kinumusta ni Paolo si Joross tungkol sa karanasan nito sa pagiging bahagi ng upcoming GMA Afternoon Prime series na The Missing Husband.
Ang naturang mystery drama series ay pagbibidahan nina Kapuso stars Rocco Nacino at Yasmien Kurdi.
Ayon sa aktor, siya ay nagpapasalamat sa Kapuso Network dahil sa oportunidad na ibinigay sa kanya para maging parte ng The Missing Husband.
“Blessed ako na kinuha ako ng The Missing Husband, ng GMA, to be a part of that. At nakakatuwa dahil 'yung mga kasama ko, mga nakatrabaho ko rin before sa GMA, sina Direk Mark [Reyes], si Rocco from Encantadia," pagbabahagi niya.
Ayon kay Joross, nagsimula siyang gumawa ng mga proyekto sa GMA noong 2007 at ang pinakauna niyang show ay ang First Time, na pinagbidahan nina Barbie Forteza, Joshua Dionisio, at Jake Vargas.
Naging bahagi rin si Joross sa cast ng Juan Happy Love Story, Pepito Manaloto: Ang Tunay na Kuwento, at ang requel ng Encantadia. Nakagagawa rin ng proyekto sa ibang network ang actor-comedian dahil isa siyang freelance artist.
Kuwento pa ni Joross, “Ako naman kasi kung saan may trabaho. Ang kagandahan nga ng hindi ko hinangad maging superstar, nandoon lang ako sa gitna. Nakakatawid.”
Dagdag niya, “Importante nga sa industriya, marunong ka makisama talaga sa lahat and you don't burn bridges.”
Panoorin ang masayang episode ng Just In sa video na ito.
SAMANTALA, TINGNAN ANG HUNK PHOTOS NI JOROSS GAMBOA SA GALLERY NA ITO.