What's on TV

Paolo Contis, nagpapasalamat sa supporters ng 'Just In'

By Maine Aquino
Published August 13, 2020 11:15 AM PHT

Around GMA

Around GMA

LIVE - Simbang Gabi | December 16, 2025
Lalaki, nakuhaan sang video nga nagapangawat sa abandonado nga balay sa Bacolod| One Western Visayas
Heart Evangelista is cool and chic in baggy pants

Article Inside Page


Showbiz News

Paolo Contis


Natapos na ang unang season ng online show na 'Just In' nitong August 12.

Hindi makapaniwala si Paolo Contis na nagtapos na ang first season ng kanilang online show ni Vaness Del Moral na Just In.

Ang Just In ay ang online kumustahan hosted by Paolo and Vaness tuwing Miyerkules ng gabi.

Saad ni Paolo, "Akalain niyo naka-thirteen episodes na po tayo."

Biro pa niya, "Patapos na ang Season 1, napagtiyagaan n'yo pong panoorin kami ni Vaness kahit walang kakuwenta-kuwenta 'yung mga talent na pinapakita ni Vaness. Pero nag-stay pa rin po kayo para panoorin kami."

Nagpapasalamat umano si Paolo sa mga nanood ng kanilang episodes.

"Lubos po kaming nagpapasalamat. Tapos na ang Season 1 natin pero ang quarantine mukhang pabalik nang pabalik."

Wish daw niya ay maging safe ang lahat sa kinakaharap nating COVID-19 pandemic. At sa kanilang pagbabalik, i-comment lang umano ang mga gusto nilang mai-guest sa programa.

"Sana habang tumatagal ay safe tayo. We're all expecting na sa Season 2 ay mas masaya tayo. Kung meron kayong gustong mapanood, gustong i-guest namin, mag-comment lang kayo at susubukan naming pagbigyan lahat yan.

Sa huling episode ng Season 1 ng Just In, nakasama ni Paolo ang kanyang mga kaibigan sa P.A.R.D. na sina RJ Padilla, Antonio Aquitania, Sef Cadayona, Roadfill, at Boy 2 Quizon.

Just In: P.A.R.D, makikipagbukingan at makikigulo LIVE! | Full Episode 13

Just In: Boy 2 Quizon at Paolo Contis, best friends mula pagkabata! | Episode 13