Article Inside Page
Showbiz News
Ipinagbubuntis ngayon ni Carol Banawa ang kanyang ikatlong anak.
Blooming na blooming si Carol Banawa habang ipinagbubuntis ang kanilang ikatlong anak ni Ryan Crisostomo.
Si Carol at Ryan ay may dalawa pang anak na sina Chelsea at River.
Photo source: Just In
Kuwento ni Carol Banawa sa
Just In nitong December 9 ay excited at may halong kaba ang kanyang nararamdaman sa kanyang third baby. Ayon kay Carol ito ay dahil buntis siya sa gitna ng
COVID-19 pandemic.
Saad ni Carol, "Excited, kinakabahan. Kinakabahan because of may COVID 'di ba? Parang it's been a while you know, nine, ten years so parang ano ka ulit, trying to remember 'yung mga nararamdaman kapag buntis."
Ibinahagi rin ng singer ang kanyang mga nararamdaman ngayong siya ay buntis muli pagkatapos ng ilang taon.
"Ngayon ang napansin ko iba 'yung mga nararamdaman kong mga pains. Hindi ko alam kung dahil sa edad ko kaya iba. Mas mabilis akong mapagod."
Tinanong ng
Just In host na si
Paolo Contis kung okey lang bang tanungin kay Carol ang kanyang edad. Saad ni Carol ay proud siya sa kanyang age.
"Thirty nine, mag-forty na ako sa March," pag-amin ng singer sa show.
Natatawang kuwento pa ni Carol ay mag-for-forty siya kung kailan malapit na siyang maganak.
"Sabi ko nga ano ba 'yan, forty, hindi man lang ako makakapag-fortieth birthday bash. Hindi ako makakainom dahil buntis ako."
Dugtong pa ni Carol, "Hindi pa lumalabas yung anak ko, sinapawan na ako agad!"
Inaasahang manganak si Carol sa April 2021.
Panoorin ang kabuuan ng masayang kuwentuhan nina Paolo at Carol sa video sa itaas. Maaari n'yo ring mapanood ito DITO.
Related content:
Just In: Carol Banawa, nakapagtapos bilang Summa Cum Laude! | Episode 13
Just In: Carol Banawa, ikinuwento ang pagkatalo sa isang singing contest noon! | Episode 13