What's on TV

Kim delos Santos, ikinuwento kung paano pinagsikapan ang pagiging nurse sa Amerika

By Maine Aquino
Published February 11, 2021 2:07 PM PHT

Around GMA

Around GMA

SEA Games: Joanie Delgaco, Kristine Paraon strike gold in rowing
Chavit Singson to meet Miss Universe next month to negotiate, possibly buy the organization?
APSEMO holds emergency meeting as Mayon shows increased activity

Article Inside Page


Showbiz News

Kim delos Santos


Ibinahagi ni Kim delos Santos na nagsimula siya sa pinakababa nang magdesisyon siyang manirahan sa Amerika.

Si Kim delos Santos ay nagbahagi ng kanyang naging buhay pagkatapos niyang iwanan ang kanyang showbiz career at manirahan sa Amerika.

Si Kim ay isa sa mga hinangaang young stars noon na sumikat sa hit youth-oriented drama na T.G.I.S. (Thank God It's Sabado).

Ngayon, isang nurse na si Kim sa Amerika at ibinahagi niya ito sa Just In.

Kuwento ni Kim sa Just In host na si Vaness Del Moral, isa na siyang dialysis nurse from Texas, USA.

"It's a completely different life from what I had in the Philippines.

Aminado si Kim na nahirapan siya noong nagsisimula pa lamang siya sa Amerika.

Kim delos Santos
Photo source: @kimnicole727

"At first medyo mahirap siya, as in kasi hindi naman ako nakapagtapos pa sa Pilipinas e. So I had to start from the bottom, up. Hanggang ngayon, nag-aaral na naman ako ulit."

Ayon sa kuwento ni Kim, lumipad siya patungong Amerika taong 2004.

"I came here 2004, pero nag-aral ako 2009 pa. I tried different jobs. Alam mo 'yung bagets na nakawala sa hawla na kung anu-ano'ng balak gawin."

Sinundan ito ng mga kuwento ni Kim tungkol sa kanyang mga inaral at naging trabaho.

"Nag LPN (Licensed Practical Nurse) muna ako bago ako nag-BSN (Bachelor of Science in Nursing).

"2009 ako nag LPN, 2010 ako nag-start mag-work as a dialysis nurse. 11 years na ako this year."

Ibinahagi ni Kim na siya ay nag-aaral muli. "I am back in school again studying psychiatric mental health nurse practitioner.

Ani Kim, interesado siya sa kursong ito kaya niya ito pinag-aaralan ngayon.

"It's something interesting, para naman kakaiba siya. Gusto ko ang psych e, I like it.

"It deals with depression, anxiety, 'yan 'yung mga tipong level niya.

Payo pa ni Kim sa interview, dapat pagtuunan ng pansin ang mental health ng mga kabataan ngayon dahil sa lockdown.

"Ang hindi napapansin ng mga tao, malaki ang epekto nito sa mga bata rin because they are not going to school right now. They're home and they're isolated. Kung may siblings sila siyempre okay lang, kung wala silang mga siblings, it's not really good for them. Medyo naninibago sila."

Sa ngayon isang taon ng RN o registered nurse si Kim.

"RN; I am one year. Kaka-pass ko lang ng board exam."

Pag-amin ni Kim, ito ay bunga ng kanyang pagsisikap sa ibang bansa. Napag-alaman din ng aktres ang kahalagahan ng edukasyon at ang pagiging independent.

"When you start from the bottom up, kumbaga parang ginapang ko lahat 'to.

"I start realizing kung gaano kaimportante ang pag-aaral, kailangan mo'ng ganito, how to become an independent woman, hindi lahat puwedeng iaasa mo sa iba. This day and age you have to be an independent woman."

Alamin ang buhay nurse ni Kim delos Santos sa gallery na ito: