
Isa sa mga hinahangaan noon sa Philippine Basketball Association o PBA ang basketball player na si Noli Locsin.
Si Noli ay naglaro noon sa Ginebra at sumikat sa palayaw na "The Tank."
Sa kaniyang interview sa Just In kasama ang host at kaibigan niyang si Paolo Contis ay napagusapan nila ang ilang mga bagay tungkol sa basketball sa Pilipinas.
Photo source: Just In
Isa sa mga ito ay ang opinyon ni Noli sa pagdami ng half-Pinoy players na nakakasali sa PBA. Tanong ni Paolo, dapat bang mas bigyan ng pagkakataon na maglaro ang mga full Pinoy sa basketball?
Kuwento ni Noli, kahit noong naglalaro pa siya sa PBA ay kapansin pansin na ang pagkakaroon ng mga half-Pinoy players.
"Noong panahon pa namin nagsimula yan halos. Kaya isa rin ako, biktima rin ako, sorry sa term na biktima, ibig sabihin tinamaan din ako doon.
Inamin ni Noli na puwede pa sana siya maglaro ng basketball ngunit napilitan siyang huminto nang mas maaga.
"Noong nakalaro na ako ng ilang years siyempre tumatanda na tayo, puwede pa sana tayo e kaso lang nagdatingan 'yung mga 'yun."
Para kay Noli, wala sa kaniyang kaso ang nangyari. Ayon sa legendary basketball player, lahat ng tao ay may karapatan naman na magkaroon ng trabaho.
"Wala naman tayong problema, karapatan rin nilang magkaroon ng trabaho. Parang tayo, pupunta tayo sa ibang lugar, puwede rin naman tayo magtrabaho doon 'di ba?
Ayon pa kay Noli, importante lang sa kaniya ay may dugong Pinoy talaga ang mga kinukuha para maglaro. Nag-agree rin si Noli sa sinabi ni Paolo na kawawa ang mga purong dugong Pinoy na nagnanais ring maging basketball player.
"Basta legit tayo, tama 'yung sinasabi mo na kawawa naman 'yung mga homegrown sa atin na nagsusumikap tapos nawawalan ng chance. Kung 'di nawawalan, bumababa 'yung ano nila dahil sa mga dumadating na galing sa ibang lugar."
Paglilinaw pa ni Noli, wala siyang masamang intensyon sa kaniyang sinabi, ang nais niya lang sana ay tunay na may dugong Pinoy ang makapaglaro ng basketball sa ating bansa.
"Again, wala akong masamang ano doon sa mga dumadating, basta legit po. 'Yun lang 'yung sa akin.
Panoorin ang kuwentuhan nina Paolo at Noli sa Just In.
RELATED CONTENT:
Just In: Paolo Contis, proud na makalaro si Noli Locsin! | Episode 9
Just In: Noli Locsin at Paolo Contis, may pinagsamahan na noon pa man! | Episode 9