What's on TV

Steve Dailisan, ibinahagi ang ups and downs ng taong 2020 sa kaniyang buhay

By Maine Aquino
Published March 26, 2021 5:59 PM PHT
Updated March 26, 2021 6:02 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Maki, IV of Spades, more Filipino artists make it to Dazed100 Asia
Farm to Table: (December 14, 2025) LIVE
Nadine Samonte undergoes geneplant cancer screen test

Article Inside Page


Showbiz News

Steve Dailisan


Ikinuwento ni Steve Dailisan ang kaniyang pinagdaanan nang pumanaw ang kaniyang ama at nawalan siya ng trabaho noong 2020.

Ibinahagi ni Steve Dailisan ang kaniyang mga naranasang pagsubok sa career at personal life noong 2020 nang siya ay mag-guest sa online talk show na Just In.

Si Steve ay ang former Kapuso reporter na nakakumustahan ni Vaness Del Moral sa Just In nito lamang March 24. Nilisan ni Steve ang kaniyang career sa telebisyon para bigyang daan ang kaniyang pangarap na maging isang piloto.

Kuwento ni Steve, hindi niya inakalang isang taon na ang nakalipas simula nang mangyari ang lockdown dahil sa COVID-19 pandemic.

"Same time last year, natatandaan ko mayroon pa akong mga few flights. May mga regional flights pa ako. Halos mga four legs pa 'yung ililipad ko last year, Tapos ngayon naiisip ko, isang taon na pala 'no since matigil 'yung lipad namin."

March 2020 nang mag-desisyon si Steve na manatili sa Pasay City para hindi ma-expose ang kaniyang ama na isang senior citizen.

Saad ni Steve, "Purposely nag-stay lang ako sa isang area sa Pasay City noong magkaroon ng lockdown. Kasi yung dad ko na kasama ko sa bahay sa Bulacan ay senior citizen noon. At iniiwasan ko siyempre na magkaroon ng exposure siya. So nag-stay ako ng matagal. Mga three months siguro bago ako umuwi sa amin."

Inalala rin ni Steve na June lamang siya nakauwi sa kanilang bahay sa Bulacan.

"Last flight ko last year was June. So nag-birthday lang 'yung dad ko tapos the next day may flight pa ako, cargo flight 'yun. So 'yun lang 'yung time na nakauwi ako sa amin. For a very very long time during the lockdown."

Ikinuwento ni Steve sa programa na pagkatapos ng ilang buwan ay pumanaw na rin ang kaniyang ama.

"Last year, August of last year," saad ni Steve.

Inihalintulad ni Steve ang taong 2020 sa isang rollercoaster ride dahil sa mga nangyari sa kaniyang buhay.

"Para siyang rollercoaster ride sa akin ang 2020. Because na-release ako as first officer sa Cebu Pacific and then I lost my job. And then nakahanap ako ng trabaho, and then I lost my dad."

"Para siyang ups and downs. Pero ano talaga siya, challenging year for most of us. Ang bilis kasi ng pangyayari sa amin ng dad ko and we're very close kasi kami lang magkasama sa bahay. Kami for most parts of my adult life, siya 'yung kasama ko. Except for times na nagko-cover ako. Sudden 'yung passing niya."

Steve Dailisan

Photo source: Just In

Malungkot man si Steve sa pagpanaw ng kaniyang ama, alam naman niyang nasa mabuting kalagayan na ito ngayon.

"I'm very positive na at least kahit papaano he's in a better place now."

Hiling pa ni Steve ay sana proud sa kaniya ang ama nasaan man siya ngayon.

"Sana I made my dad proud."

Panoorin ang kabuuang interview ni Steve sa Just In.

Kilalanin naman ang iba pang GMA News reporters na nagpalit ng career sa gallery na ito: