
Inamin ng dating model at aktor na si Hans Montenegro na ang kaniyang asawa na si Marilen Faustino ay isa sa mga naunang tinamaan ng COVID-19 bansa.
Si Marilen ay isang lifestyle blogger at interior stylist.
Sa Just In, ibinahagi ni Hans sa host nitong si Paolo Contis ang nangyari nang hinarap nila ang COVID-19.
Kuwento niya, “On March 16 last year, noong first talaga na lockdown, tiningnan ako ni misis at sinabi sa akin, 'Nilalagnat ako. Kailangan natin pumunta ng ospital.'
“Nagka-COVID yung misis ko. Siya 'yung patient number 81 or 83 noong tina-track pa siya.”
Inamin ni Hans ang mga sintomas ni Marilen at mga ginawa nilang hakbang rito para maprotektahan ang kanilang mga anak.
“Si misis may asthma, ang una niyang naramdaman 'yung lagnat.
"'Tapos, nung dinala ko sa ospital, remember this is the first day of lockdown, wala pa tayong mga experience or mga kuwento ng tao kung ano ang naranasan nila 'di ba?
“Surreal, pare, kasi dinala ko ng ospital hindi ko nahatid, para akong taxi na, 'O bumaba ka na.'
"Ang una kong inisip is kung magkahawaan tayo, sino ang mag-aalaga sa mga bata, so diyan ka, dito ako.”
Kuwento ni Hans, nag-isolate ang kaniyang asawa sa condo unit ng kaniyang ina. Ang mommy ni Hans ay nasa Spain nang mga oras na 'yun.
“Super hirap kasi sinundo ko from the hospital, dinala ko doon sa condo.
"Mag-isa siya doon, hinahatiran lang namin ng pagkain. 'Tapos iniiwan 'yung pagkain sa labas ng pintuan tapos kakatok ka.”
Para hindi naman mag-alala ang kanilang mga anak, minabuti nilang hindi muna sabihin na tinamaan ng COVID-19 ang kanilang ina.
“'Yung mga bata ayaw naming mag-alala, so hindi muna namin sinabi na mukhang may COVID si mommy.”
Laking pasasalamat ni Hans na wala nang nahawa pa sa kanila.
“First ten days, binabantayan ko sarili ko, binabantayan ko 'yung mga anak ko, binabantayan ko 'yung kasambahay namin.
"Sabi ko oras na isa sa amin magkasintomas, saan ko ilalagay?
“Awa ng diyos wala ng ibang tao sa bahay na nagka-COVID.”
Isa pa sa mga ibinahagi ni Hans ang hirap na mawalay kay Marilen na hinaharap mag-isa ang COVID-19.
“Si misis, nagfi-facetime kami gabi gabi, 'di siya makahinga, 'di ko naman puwedeng puntahan.
“Takot na takot siya. tatawag na lang sa akin, I can't breathe, I can't breathe.”
Bukod rito kaniya ring ikinuwento ang nangyari nang mabalitaan ng mga kapitbahay nila na mayroong COVID-19 si Marilen.
“At that time bago pa yung COVID, ni-report namin sa barangay, siyempre, tapos ni-report ko sa building.
“'Yung mga reaksyon ng tao noon ikaw na nga 'yung kusang nag-report na may COVID 'yung tao, ni isang nagtanong kung kumusta 'yung misis ko. Lahat ng tanong o sino 'yun, na-contact tracing na ba 'yan, ikaw may sintomas ka ba? Lumalabas ba kayo?
"Naiintindihan ko kasi takot sila lahat, di ba?
"Pero 'yun 'yung kabila noon, lahat sila nag-aalala pero ang lumabas doon ni isa nagtanong, kumusta misis mo?
"Pinalampas ko na, 'di naman natin mababago ang tao di ba? Kung ganon sila, ganon sila.”
Ayon kay Hans, 21 araw na may sakit ang kaniyang asawa.
Bukod rito, ramdam rin ni Marilen na hirap ng ilang buwan kahit pa sa kaniyang paggaling.
“Mga 21 days siyang may COVID; it was a bad case. Even after nung gumaling siya, nakauwi na siya, siguro mga dalawang buwan hindi pa siya completely 100% e may asthma si misis e. Ang tagal bago niya nasabi sa akin na honey 100% na ulit ako, okay na ako.
Dugtong niya, “Kahit wala ka nang COVID sa katawan, nag-test ka na, negative 'yung mga tests mo, may effect yun sa baga mo kahit wala na sa katawan mo.
"May tama sa baga, hirap na hirap siyang huminga kahit magaling na.”
Panoorin ang kabuuan ng panayam ng Just In kay Hans sa video sa itaas o sa link na ito.
Samantala, kilalanin ang iba pang mga personalidad na naka-recover sa COVID-19 sa gallery na ito: