
Ibinahagi ni Kaye Abad ang kuwento ng kanilang magandang samahan ng kaniyang asawa na si Paul Jake Castillo.
Sa Just In show ng kaibigan niyang si Paolo Contis, inilarawan ni Kaye kung anong nakita niya sa kanyang asawang si Paul Jake.
Ayon sa kanilang kuwentuhan, naging karelasyon ni Kaye si John Lloyd Cruz, Chito Miranda, at isa pang showbiz personality na ayaw na pangalanan ng aktres.
Photo source: kaye_abad
Kuwento ni Kaye, "Hindi ko rin ma-gets kasi 'pag tinatanong nga nila ako ano'ng nagustuhan mo kay Paul Jake, wala talaga akong masagot.
"Feeling ko it's him, 'yung buong pagkatao niya siguro. Because na-accept ko 'yung flaws niya. Hindi naman siya super sweet. I don't know. Weird talaga."
Ayon kay Kaye, ang love story nila ay hindi nagsimula sa ligawan.
"Hindi naman kami nagligawan. Magkaibigan kami before, tropa. Ako, si Jason Abalos, siya, at si Beauty Gonzalez.
"To cut it short, may girlfriend siya, may boyfriend ako.
"Hanggang sa nag-break sila, nag-break din itong sa akin.
"Umabot kami sa point na we still hangout and then hinanapan ko pa siya ng date kasi matagal na siyang walang girlfriend."
Inirekomenda ng mga kaibigan ni Kaye at Paul Jake na maging sila na lang dahil magkasundo sila sa lahat ng bagay.
"Bakit 'di na lang kayo? Kasi bagay kayo, magkasundo kayo, Ayoko pa that time."
Pagbabalik-tanaw ni Kaye, "Parang hindi ko ma-imagine 'yung kaibigan ko hahalikan ko."
Na-realize ni Kaye na may feelings na siya kay Paul Jake nang lumipad ang huli papuntang Europe.
"Nag-Europe siya, lagi kaming magka-face time. Tapos bigla ko na lang siyang nami-miss."
Saad pa ni Kaye, sa paguwi ni Paul Jake nagsimula na silang mahulog sa isa't isa.
"Pag-uwi niya pumupunta siya sa bahay, magdi-dinner na kami ganyan. Hanggang sa 'yun na, tinanong na lang niya ako. Walang ligawan."
Panoorin ang kabuuan ng Just In episode sa video sa itaas o sa link na ito:
Tingnan ang buhay ni Kaye Abad ngayon sa labas ng showbiz sa gallery na ito: