GMA Logo Buboy Villar and Angillyn Gorens with kids Vlanz and George
PHOTO SOURCE: @buboyvillar
What's on TV

Buboy Villar to ex-partner Angillyn Gorens: 'Hindi ako mawawala sa 'yo'

By Maine Aquino
Published February 17, 2023 10:26 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Wilma slightly accelerates, 27 areas under Signal No. 1
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

Buboy Villar and Angillyn Gorens with kids Vlanz and George


Alamin ang update sa co-parenting status nina Buboy Villar at Angillyn Gorens.

Inamin ni Buboy Villar kung ano na ang estado nila ng kaniyang ex-partner na si Angillyn Gorens.

Sina Buboy at Angillyn ay may dalawang anak: Vlanz Karollyn and George Michael.

Kuwento ni Buboy kay Paolo Contis sa kaniyang pagbisita sa Just In, ang kanilang mga anak ang nagbigay ng aral sa kanya.

PHOTO SOURCE: @buboyvillar


Ani Buboy, "Ito 'yung nagbigay aral sa akin sa buhay talaga. Kung hindi dahil sa mga anak ko, hindi ko makikita ang ganda ng buhay ko."

Ikinuwento rin ni Buboy ang tunay na dahilan ng kanilang paghihiwalay. Noong 2020 ay napabalita ang kanilang hiwalayan pagkatapos ng kanilang apat na taong relasyon.

Pag-amin ng aktor, "May pagkukulang e, may pagkukulang kaming dalawa."

Nilinaw naman ni Buboy na mutual ang kanilang naging desisyon at maayos ang kanilang paghihiwalay.

PHOTO SOURCE: @buboyvillar

"'Yung paghihiwalay namin is mutual naman, for good. Nag-uusap kami as in para sa mga bata."

Ayon pa sa Kapuso actor, sinubukan pa rin nilang ayusin ang kanilang relasyon hanggang sa nagdesisyon na silang tuldukan na lamang ito.

"Noong lumabas si George, hindi na kami, wino-work out na namin 'yung relationship namin. Pero na-realize namin na habang ginagawa namin 'yun, hindi talaga siya magwo-work out. May nangyayari talagang disconnection."

Nauwi man sa hiwalayan, inamin ni Buboy na importante ay naging okay sila para sa ikabubuti nina Vlanz at George.

Kuwento ni Buboy, "Okay kami, 'yun naman ang pinakaimportante. Hindi mo kailangan pahirapan 'yung ibang mga bagay. Mahirap na nga e pahirapan mo pa.”

Pagpapatuloy niya, "What if ma-gusap kami, ayusin natin desisyon natin sa bata, maganda plano mo sa bata, maganda ang plano ko sa bata. Tanggalin natin ang hatred sa isa't isa."

Inamin rin ni Buboy sa kaniyang interview na patuloy niyang susuportahan ang mga pangangailangan ng kanilang mga anak ni Angillyn.

"Mga bata pa kami, marami pa kaming pagdadaanang pagsubok sa buhay, at isa lang ang sinabi ko sa kanya. Hindi ako mawawala sa 'yo. Hindi porket naghiwalay kami e wala na ako. Kumbaga tatay ako ng mga anak natin at susuporta pa rin ako sa 'yo."

Panoorin ang mga kuwento ni Buboy sa Just In.


SAMANTALA, BALIKAN ANG PHOTOS NI BUBOY KASAMA SINA ANGILLYN, VLANZ AT GEORGE: