GMA Logo Kokoy De Santos and Royce Cabrera
What's on TV

Kokoy De Santos at Royce Cabrera, ibinahagi ang sikreto sa paggawa ng daring scenes

By Maine Aquino
Published March 3, 2023 3:04 PM PHT

Around GMA

Around GMA

NBA: Kevin Durant 8th to 31,000 points as Rockets sink Suns
#WilmaPH spotted over coastal waters of Sulat, Eastern Samar
This family weekend workshop features experts to elevate Filipinos' kitchen and dining holiday traditions

Article Inside Page


Showbiz News

Kokoy De Santos and Royce Cabrera


Alamin kung paano ginagawa nina Kokoy De Santos at Royce Cabrera ang kani-kanilang daring scenes.

Ibinahagi nina Kokoy De Santos at Royce Cabrera ang kanilang mga sikreto sa paggawa ng intimate o daring scenes sa kanilang mga proyekto.

Sina Kokoy at Royce ay bumida na sa ilang mga successful na BL (Boys' Love) projects at nagsama na rin sila sa pelikulang Fuccbois.

Diretsuhang ibinahagi ng mahuhusay na Sparkle actors sa Just In ang kanilang mga techniques at sikreto sa paggawa ng mga intimate scenes.

PHOTO SOURCE: Sparkle GMA Artist Center

Kuwento nina Kokoy at Royce, kailangan nilang magsuot ng plaster kapag gagawa ng maseselan na eksena pero may mga pagkakataon ring hindi na sila gumamit nito.

Pagbabahagi ni Kokoy, "Nakatatlong araw na kami na naka-shoot sa Batangas kasi parang paulit-ulit na since sumisilip ('yung plaster), hindi kayang i-crop, pinakiusapan kami na kung baka puwede lang.

Pagpapatuloy niya, "E kami parang since paulit-ulit na 'yung eksena. Siyempre si Sir Ricky (Davao) pagod na rin... nagtanggal kami."

Nagtanong ang host ng Just In na si Paolo Contis ng kanilang tips para sa kaniya. Ani Paolo, may offer sa kaniya na gumawa ng isang series na may intimate scenes na tulad ng ginawa nina Kokoy at Royce.

Payo ni Kokoy, "Huwag kang magaalinlangan, 'pag nandoon ka na sa moment, go mo. Kasi 'pag napanood mo, maganda sana kaso may pero e."

Saad naman ni Royce ay dapat gawin na agad ang best para sa eksena

"Kung may isang bagay na gagawin ka, gawin mo na ng tama at maganda. Para walang pagaalinlangan, walang pagsisisi kung ano man ang magiging resulta nun."

Panoorin ang kanilang kuwentuhan sa Just In:

BALIKAN ANG ILANG PINOY BL ACTORS NA TINUTUKAN NG MGA MANONOOD: