What's on TV

Carla Abellana on 'Kambal, Karibal': "Ngayon lang ulit ako umiyak habang nanonood ng teleserye"

By Jansen Ramos
Published December 7, 2017 2:50 PM PHT
Updated December 7, 2017 3:09 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Boy, 12, killed in firecracker blast in Tondo, Manila on Sunday night
Farm to Table: (December 28, 2025) LIVE
Miss Grand International All Stars announces rescheduling

Article Inside Page


Showbiz News



Fan si Carla Abellana ng 'Kambal, Karibal' at ikinuwento niya kung saang eksena siya napaluha.

Muling pinuri ng Kapuso actress na si Carla Abellana ang drama seryeng Kambal, Karibal.

Noong nakaraang Lunes, December 4, pinost ng aktres sa kanyang Instagram account ang paghanga kay Gardo Versoza bilang pagganap nito sa karakter ni Noli.

READ: Carla Abellana applauds Gardo Versoza's performance in 'Kambal, Karibal'

Sa nakaraang episode, binawian na ng buhay si Criselda dahil sa sakit nitong SCID o Severe Combined Immunodeficieny. Ginampanan ito ng young actress na si Caprice Cayetano, samantalang si Jazz Yburan naman ang gumanap sa karakter ni Crisanta.

WATCH: What you've missed from the Dec. 6 episode of 'Kambal, Karibal'

Hindi napigilang bumuhos ang luha ni Carla habang pinapanood ang partikular na eksena. Base sa aktres, ngayon na lang siya naiyak habang nanonood ng teleserye. Pinuri rin niya ang buong cast ng programa dahil sa napakahusay nilang pagganap.

 

Grabe yung buhos ng luha ko sa bagong show na 'to. Napakahusay ng mga artista talaga. At ang gaganda ng shots. Kudos to the entire team of #KambalKaribal! Ngayon lang ulit ako umiyak habang nanonood ng teleserye. ????

A post shared by Carla Abellana (@carlaangeline) on


“Grabe ‘yung buhos ng luha ko sa bagong show na 'to. Napakahusay ng mga artista talaga. At ang gaganda ng shots. Kudos to the entire team of #KambalKaribal! Ngayon lang ulit ako umiyak habang nanonood ng teleserye.”