
Naki-hang out ang Kambal, Karibal stars na sina Kyline Alcantara at Jeric Gonzales sa ArtistaTambayan kahapon, January 25.
Game nilang sinagot ang mga tanong ng kanilang fans at nag-participate rin sa mga games.
Siyempre, hindi pinalampas ng GMANetwork.com ang pagkakataon na hingan sila ng pahayag patungkol sa pagiging consistent number one ng Kambal, Karibal pagdating sa ratings.
Pahayag ni Kyline, “Nagulat po kami. Siyempre po masaya kasi every taping po talaga pinaghihirapan like punong-puno ng emosyon lagi sa set. Thankful din.”
Si Jeric naman, proud sa na-achieve ng serye kahit maiksi lang ang naging paghahanda nila rito Saad niya, “Sobrang masaya. Sobrang proud kasi knowing na preparation for this show is sobrang short. Sobrang mabilisan siya pero sobrang galing ng cast and ng team. Maganda [ang kinalabasan].”
Huwag palampasin ang mga maiinit pang eksena sa Kambal, Karibal, Lunes hanggang Biyernes, pagkatapos ng Super Ma’am.