What's on TV

LOOK: Gardo Versoza, muling mapapanood sa 'Kambal, Karibal' sa pagtatapos ng serye

By Jansen Ramos
Published August 2, 2018 3:22 PM PHT
Updated August 2, 2018 3:38 PM PHT

Around GMA

Around GMA

3 weather systems to bring rain to parts of PH on New Year
Lake Holon to close temporarily starting January 3, 2026
Attend parties and a grand countdown featuring world-class music icons at this integrated resort

Article Inside Page


Showbiz News



Abangan ang pagbabalik ni Gardo Versoza sa pagtatapos ng 'Kambal, Karibal.'

Muling mapapanood si Gardo Versoza sa hit teleseryeng Kambal, Karibal para sa pagtatapos nito na nakatakda bukas, August 3.

Ginampanan niya ang karakter ni Noli na siyang tumayong ama nina Crisan (Bianca Umali) at Crisel (Pauline Mendoza) noong sila ay mga bata pa lamang.

Ibinahagi niya sa kanyang Instagram account ang ilang behind-the-scenes photos na kuha mula sa kanyang taping kasama ang mga aktres na sina Bianca Umali at Pauline Mendoza.

"'Wag pong bibitiw, mga cupcakes, sa nalalapit na pagtatapos ng #KAMBALKARIBAL. ️️️Salamat mga, anak ko," sulat niya.

Maaalalang maraming humanga sa kanyang ipinamalas na galing sa pag-arte sa serye tulad nina Carla Abellana, Pauleen Luna at Mikee Quintos.

Hindi naman dapat malungkot ang mga fans ni Gardo sa pagtatapos ng Kambal, Karibal dahil muli siyang mapapanood sa primetime. Kabilang siya sa drama series na Onanay na mapapanood na simula Lunes, August 6, pagkatapos ng Victor Magtanggol.