
Inamin ni Rafa Siguion-Reyna na nalulungkot siya sa pagtatapos ng teleseryeng Kambal, Karibal kung saan siya kabilang.
Ayon sa kanyang Instagram post, mami-miss niya raw ang kanyang co-stars at ang team na bumubuo sa serye dahil pamilya na ang turing niya rito. Espesyal daw ito para sa kanya dahil siyam na buwan din silang nagkasama-sama.
Ibinahagi pa niya ang kanilang larawan na kuha mula sa kanyang last taping day noong July 31.
Sulat niya sa caption, "Sad that this has to end, but what a group, what a show, what a family! 9 months! Amazing #KambalKaribal @gmanetwork."
Binigyang-buhay ni Rafa ang karakter ni Vincent na isang doktor at kaibigan ni Raymond na ginampanan ni Marvin Agustin.