
Sa episode 24 ng Kambal, Karibal rerun, ipinakita ni Crisel (Pauline Mendoza) ang kanyang galit kay Raymond (Marvin Agustin) matapos niyang malaman na siya pala ang dahilan ng kanyang pagkamatay.
Naghiganti si Crisel sa pamamagitan ng pagkontrol sa manibela ng sasakyan na lulan si Raymond na naging sanhi ng pagkabangga nito.
Samantala, muntik na mawala ang scholarship ni Crisan (Bianca Umali) dahil kay Cheska (Kyline Alcantara). Nalaman ito ni Geraldine (Carmina Villarroel) kaya dinisiplina niya ang kanyang anak na si Cheska.
Balikan ang mga tagpong 'yan dito: