
Sa episode 30 ng Kambal, Karibal rerun, nagtagumpay si Crisel (Pauline Mendoza) sa pagsanib sa katawan ni Crisan (Bianca Umali) sa tulong ni Black Lady (Roence Santos).
Ginawa niya ito para makaganti sa kanyang kakambal at para mapa-ibig si Diego (Miguel Tanfelix) sa pamamagitan ng pagpapanggap.
Samantala, inamin ni Manuel (Christopher De Leon) kay Diego na apo niya ito. Gayunpaman, hindi kaagad naniwala ang huli.
Para mapanatag ang loob ni Diego, sinugurado ni Manuel sa binata na hindi niya ito ipagtatabuyan, hindi tulad ng ginawa ng kanyang amang si Raymond (Marvin Agustin).
Balikan ang mga eksenang 'yan dito: