GMA Logo Bianca Umali and Carmina Villarroel in Kambal Karibal
What's on TV

Patuloy na pagsisinungaling ni Crisel sa 'Kambal, Karibal'

By Jansen Ramos
Published June 16, 2020 6:34 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Volleyball Tournament - February 8, 2026 | NCAA Season 101
#BasyangPH leaves 5 people dead in Iligan

Article Inside Page


Showbiz News

Bianca Umali and Carmina Villarroel in Kambal Karibal


Habang patuloy ang pagsisinungaling ni Crisel, tumitindi naman ang galit ni Geraldine kay Crisan.

Sa Episode 62 ng Kambal, Karibal, patuloy pa rin ang pagkukunwari ni Crisel (Pauline Mendoza) bilang si Cheska (Kyline Alcantara).

Papaniwalain niya sina Lola Anicia (Gloria Romero) na nagbalik na ang kaluluwa ni Cheska sa sarili nitong katawan. Gayunpaman, hindi pa rin nawala ang pagdududa ng matanda.

Pabor man kay Crisel ang mga nangyayari, kabaligtaran naman nito ang nararanasan ng kanyang kakambal na si Crisan (Bianca Umali).

Lalong kinamuhian ni Geraldine (Carmina Villarroel) si Crisan dahil akala niya ay nagsisinungaling ang huli sa tunay na katauhan ni Cheska.

Balikan ang eksenang 'yan dito:


Muling ipinapalabas ang Kambal, Karibal bilang pansamantalang kapalit ng Anak ni Waray vs. Anak ni Biday. Ito ay alinsunod sa special programming ng GMA ngayong panahon ng COVID-19 quarantine.

Patuloy na subaybayan ang hit 2017 series Lunes hanggang Biyernes, 8:35 p.m., sa GMA Telebabad.

Samantala, maaaring mapanood ang full episodes ng Anak ni Waray vs. Anak ni Biday at iba pang Kapuso shows sa GMANetwork.com at GMA Network app.
https://www.gmanetwork.com/fullepisodes/