
Sa episode 68 ng Kambal, Karibal, nagmakaawa si Crisel (Pauline Mendoza) kay Crisan (Bianca Umali) na hayaan siyang gamitin ang katawan ni Cheska (Kyline Alcantara) para manatiling buhay.
Sa kabila ng mga kasalanang nagawa ni Crisel, nagawa pa rin siyang patawarin ni Crisan alang-alang sa kanyang kaligayahan.
Hahayaan na lang ba ng huli na mabuhay ang kanyang kakambal sa kasinungalingan?
Balikan ang eksenang 'yan dito:
Muling ipinapalabas ang Kambal, Karibal bilang pansamantalang kapalit ng Anak ni Waray vs. Anak ni Biday. Ito ay alinsunod sa special programming ng GMA ngayong panahon ng COVID-19 quarantine.
Patuloy na subaybayan ang hit 2017 series Lunes hanggang Biyernes, 8:35 p.m., sa GMA Telebabad.
Samantala, maaaring mapanood ang full episodes ng Anak ni Waray vs. Anak ni Biday at ng iba pang Kapuso shows sa GMANetwork.com at GMA Network app.