GMA Logo Sunshine Dizon and Kyline Alcantara in Kambal Karibal
What's on TV

Pagkasabik ni Cheska sa pagmamahal ng tunay na ina sa 'Kambal, Karibal'

By Jansen Ramos
Published October 8, 2020 11:30 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Ysabel Ortega, nagtampo nang mag-solo trip si Miguel Tanfelix sa South America?
6 PDLs in Negros Occ released on Christmas Eve
A cake for pet dogs? Chef RV shares new recipe

Article Inside Page


Showbiz News

Sunshine Dizon and Kyline Alcantara in Kambal Karibal


Gagamitin ni Cheska ang kahinaan ni Crisel para makabalik siya sa kanyang sariling katawan.

Sa episode 145 ng Kambal, Karibal, mas lalong gugustuhin ni Cheska (Kyline Alcantara) na makabalik sa kanyang katawan upang makasama ang kanyang tunay na ina na si Maricar (Sunshine Dizon) ngayong alam na niya ang lahat ng isinakripisyo nito.

Humingi ng tulong ang dalaga kay Black Lady (Roence Santos) para mabawi niya ang kanyang sariling katawan kay Crisel (Pauliine Mendoza).

Pinayuhan naman ng masamang espiritu si Cheska na gamitin ang kahinaan ni Crisel para magtagumpay siya sa kanyang plano.

Kyline Alcantara hugging Sunshine Dizon in Kambal Karibal

Muling ipinapalabas ang Kambal, Karibal bilang pansamantalang kapalit ng Anak ni Waray vs. Anak ni Biday. Ito ay alinsunod sa special programming ng GMA ngayong panahon ng COVID-19 quarantine.

Patuloy na subaybayan ang hit 2017 series Lunes hanggang Biyernes, 8:35 p.m., sa GMA Telebabad.

Samantala, maaaring mapanood ang aired full episodes ng Anak ni Waray vs. Anak ni Biday at ng iba pang Kapuso shows sa GMANetwork.com at GMA Network app.

Ang Kambal, Karibal ay pinagbibidahan nina Bianca Umali, Pauline Mendoza, Miguel Tanfelix, at Kyline Alcantara.

Tampok din dito ang mga batikang aktor na sina Carmina Villarroel, Jean Garcia, Christopher De Leon, Marvin Agustin, Alfred Vargas, Gardo Versoza, at Ms. Gloria Romero.

Kabilang din sa supporting cast ng Kambal, Karibal sina Jeric Gonzales, Chesca Salcedo, Rafa Siguion-Reyna, Eliza Pineda, Sheree, Miggs Cuaderno, at Raquel Monteza.