What's on TV

EXCLUSIVE: Is Bea Binene ready for her mature role in 'Kapag Nahati Ang Puso?'

By Michelle Caligan
Published April 16, 2018 3:44 PM PHT
Updated July 6, 2018 7:47 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Dagan sa Panahon Sayran nato Karong Adlawa | Balitang Bisdak
Jeepney driver, patay matapos barilin ng salaring nagkunwaring pasahero sa Antipolo City
Michelle Dee celebrates the holidays with a designer bag

Article Inside Page


Showbiz News



Handa na ba si Bea Binene para sa kanyang more mature role sa 'Kapag Nahati Ang Puso?' Alamin ang kanyang sagot sa eksklusibong panayam ng GMANetwork.com.

 

 

Malapit na muling mapanood si Bea Binene sa isang teleserye. Siya ang bibida sa upcoming Afternoon Prime series na Kapag Nahati Ang Puso, kung saan makakasama niya sina Sunshine Cruz, Zoren Legaspi, Bing Loyzaga, Benjamin Alves at David Licauco.

 

LOOK: IN PHOTOS: At the story conference of 'Karibal Ko Ang Aking Ina'

Sa exclusive interview ng GMANetwork.com sa young Kapuso actress, inamin niyang hindi pa siya handa sa mas mature na role.

"Kapag inisip ko kung ready na ako, I think I will never be ready. But I need to be ready," panimula ng dalaga.

Dagdag pa niya, "Ngayon, doble pressure po sa akin kasi pini-pressure talaga nila ako. Andami nilang binibigay na challenges kumbaga, andami kong kailangang i-fulfill. Weight, voice, acting, lahat. So sobrang pressured, pero excited siyempre. At saka maganda 'yung story eh, sobrang interesting, at nakaka-excite po talaga."

Si Benjamin Alves ang magiging love interest ng kanyang character dito. Kumusta naman ang working relationship nila?

"Masarap kausap si Ben. Dati nagkita kami for the Christmas special, doon kami nag-start mag-usap. Every time na magkikita kami, marami rin kaming napag-uusapan. I'm excited to work with him."