What's on TV

'Prima Donnas' teen stars, nagkuwento ng struggles nila sa online class

By Aaron Brennt Eusebio
Published November 3, 2020 5:03 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Sandiganbayan orders 2 Revilla co-accused sent to QC women’s jail
Iloilo City LGU to sue man for chopping down trees in Jaro
900 pamilya sa Albay na apektado ng Bulkang Mayon, hinatiran ng tulong ng GMAKF | 24 Oras

Article Inside Page


Showbiz News

Prima Donnas teen stars in Kapuso Artistambayan


Kumusta kaya ang online classes nina Jillian Ward, Elijah Alejo, Vince Crisostomo, at Will Ashley?

Kinuwento ng teen stars ng hit afternoon series na Prima Donnas ang kanilang struggles pagdating sa online schooling.

Sa pakikipagkuwentuhan nina Jillian Ward, Elijah Alejo, Vince Crisostomo, at Will Ashley kay Betong Sumaya sa Kapuso ArtisTambayan, ibinahagi nila ang kanilang karanasan sa "new normal" pagdating sa pag-aaral.

Kuwento ni Vince, na isang freshman sa De La Salle University - Manila, "So far okay naman siya, wala pa naman masyadong ganap."

"Mostly, orientations pa lang kami ngayon kaya so far, chill pa lang."

Para kay Will, hindi maiwasan ang problema sa internet habang nagkaklase sila.

Aniya, "Noong una nanibago ako kasi siyempre sobrang dami ring pinapagawa, tapos 'yung mga signal din, 'yung signal minsan ng teacher, signal ko, medyo gulo-gulo, 'yung sinabi ng teacher hindi naiintindihan."

"Unlike 'pag nasa school ka mismo, kumbaga face to face, mas madali mong natututunan 'yung lessons unlike dito sa online class ngayon, sobrang mahirap ngang intindihin minsan."

Pareho namang naka-home school sina Jillian at Althea kaya iba ang kanilang nararanasan sa online classes kumpara kina Vince at Will.

Alamin ang kanilang experience sa kanilang guesting sa Kapuso ArtisTambayan:


Simula November 9, mapapanood na ang fresh episodes ng Prima Donnas sa GMA Afternoon Prime pagkatapos ng Ika-6 na Utos.