
Ipinasilip ng Kapuso love team na BiGuel sa GMANetwork.com ang identical vans na pag-aari nila.
Sa car raid video ng Kapuso Web Specials featuring Bianca Umali at Miguel Tanfelix, nabanggit ng dalawa ang mga favorite pastime nila sa kanilang mga kotse.
Para sa Kapuso heartthrob na si Miguel, favorite activity niya ang matulog sa van para makapagpahinga.
Paliwanang niya, “Siyempre matulog. Kaya nga 'di ba ito ‘yung purpose ng van natin kaya siya malaki para makapagpahinga tayo, while we're on our way to our work, 'di ba?”
Importante naman para kay Bianca na maganda ang sound system ng kaniyang kotse dahil gusto lagi niyang nagpapatugtog ng music sa tuwing sasakay siya rito.
“Sound tripping as in to the highest level ‘yung volume while driving or habang nasa likod. Important sa akin na maganda ‘yung sound system ng car,” paliwanag niya.
Check out the full car raid webisode of BiGuel in the video below.