Ang Kara Mia ay kuwento nina Kara at Mia. Sila ay may dalawang mukha na naghahati sa iisang katawan. Si Kara sa harap samantalang si Mia naman sa likod.
Noong bata pa sina Kara ay binabalot ng tela ng kaniyang mga magulang ang kaniyang ulo upang maitago si Mia. Sa paglaki nila, pinapasuot na si Kara ng wig para itago ang mukha ni Mia.
Maganda at jolly si Kara samantalang maganda rin si Mia pero pintasera at mapaghanap.
Sa pagtanda nila, makakadiskubre sila ng paraan kung paano mapaghihiwalay ang kanilang mukha ng may sari-sariling katawan tuwing umaga ngunit sa gabi ay babalik pa rin sila sa kanilang anyo.
Gaganap si Barbie Forteza bilang Kara at si Mika Dela Cruz bilang Mia. Makasasama rin nila sina Jak Roberto bilang Boni, ang lola’s boy na lumaki sa Bacolod at kababata ni Kara; at Paul Salas bilang Chino, ang supladong pinsan ni Boni.