What's on TV

Barbie Forteza and Mika dela Cruz answer questions about their character for 'KaraMia'

By Bianca Geli
Published January 28, 2019 4:22 PM PHT
Updated January 28, 2019 7:55 PM PHT

Around GMA

Around GMA

St. Luke's inhaler clinic opens to improve asthma, COPD patient care
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News



Panoorin kung paano sagutin nina Barbie Forteza at Mika dela Cruz ang mga katanungan ng netizens tungkol sa kanilang mga roles sa 'Kara Mia.'

Hindi matapos-tapos ang tanong ang mga netizens sa karakter nina Barbie Forteza at Mika dela Cruz sa upcoming GMA drama na Kara Mia kung saan gaganap ang dalawang aktres bilang dalawang babae na may iisang katawan.

Mike dela Cruz and Barbie Forteza
Mike dela Cruz and Barbie Forteza

Marami ang namangha at napaisip kung paano ang magiging araw-araw na buhay ng karakter ni Barbie bilang Kara at ni Mika bilang Mia.

Unti unti na ring ini-reveal nina Barbie at Mia ang katauhan ng kanilang mga karakter.

Tanong ng isang netizen, “Okay lang ba mag-backless si Kara?”

Kuwento ni Barbie, “Wala naman sa likod ko 'yung dibdib niya.”

Paano naman kaya 'pag dating sa kainan, kapag gutom ba si Kara, gutom din si Mia?

Ani ni Barbie, “Feeling ko oo naman.”

Dagdag ni Mika, “Iisa lang 'yung tiyan 'eh. Ang tanong, kapag kumain ba si Kara lalabas ba sa kabila kay Mia?”

Paano naman kaya mag-toothbrush si Mia?

Napa-isip si Barbie at ang kaniyang sagot, “Ay, oo nga…feeling ko aabutin ko siya. Basta 'yung pag-work ng kamay sa'kin.”

Panoorin ang nakakatuwang mga kuwento nina Barbie at Mika para sa Kara Mia: