TV

WATCH: Ano ang phobia ng 'Kara Mia' star na si Carmina Villarroel?

By Cara Emmeline Garcia

Kahit may pag-aalinlangan, hindi sumuko si Carmina Villarroel na paghandaan at harapin ang kaniyang takot sa tubig.

Carmina Villaroel-Legaspi

Sa isang eksena ng Kapuso primetime show na Kara Mia, kinailangan ni Carmina na lumusong at lumangoy sa isang ilog na tunay namang pinaghandaan ng aktres.

Ibinahagi niya na hindi siya natutong lumangoy dahil sa isang karanasang nakita niya noong bata pa siya.

“Parang na-traumatize yata ako noong bata ako. Kasi, nakita ko yung classmate ko na nalulunod sa pool,” sabi ng Kapuso actress-TV host.

Pinili din ng aktres na huwag gumamit ng body-double para sa ikagaganda ng eksena.

“Hindi pwedeng daya lang or ibang tao yung gagawa.

“Kasi, it's so easy to do that, e, di, kumuha ka na lang ng double! Sabihin mo na lang ako.

“Pero, parang may kulang kasi kapag pinanood mo,” aniya.

READ: Netizens applaud Kara Mia's storyline and editing

Hindi lamang si Carmina ang humaharap sa hamon upang mapaganda ang primetime series.

Ang kaniyang tagapagtanggol na si Mike Tan, na gumaganap bilang ang engkantong si Iswal, ay gumugugol din ng oras sa prosthetics at makeup bago ang kaniyang take.

Isa-isa kasing dinidikit at nilalagyan ng prosthetics sa parehong harap at likod ng katawan ni Mike upang magmukha itong ugat.

Binibigyan importansya ng aktor ang pagdidisiplina sa diet at dedikasyon sa gym upang ma-maintain ang kaniyang six-pack abs.

Kaya tunay na kahanga-hanga ang katawan ni Mike na kitang-kita sa show.

Patuloy na abangan ang Kara Mia, Lunes hanggang Biyernes, sa GMA Telebabad pagkatapos ng 24 Oras.

Watch: Mike Tan dances his baby to the tune of 'September'