TV

Jak Roberto thankful for his 'Kara Mia' character Boni

By Aaron Brennt Eusebio

Sa pagtatapos ng Kara Mia, nagpasalamat si Jak Roberto sa kanyang karakter na si Boni.

Jak Roberto


Sa eksklusibong panayam ng GMANetwork.com, sinabi niyang isa si Boni sa mga taong successful na kilala niya.

"[Si Boni] 'yung isa sa mga sample ng taong successful para sa akin," saad ni Jak.

"Yung character ko kasi rito as Boni, maunawain na tao, mapagmahal, talagang gagawin niya lahat para sa love niya kay Kara and 'yung pagiging dedicated niya sa trabaho."

Ayon sa kanya, lahat ng ugali ni Boni ay kailangang gawin para maging masaya sa buhay at magkaroon ng goals.

"Lahat ng 'yon, 'yun 'yung mga kailangan mong gawin para ma-happy ka, para makapag-set ka ng goals sa sarili mo," pagtatapos ni Jak.