
Natapos man ang Kara Mia, may isang bagay na natutunan ang bida nitong si Barbie Forteza sa istorya ng kambal na sina Kara at Mia.
"Wag kang mag-give up sa isang tao, lalo na kung close sa'yo," sagot ni Barbie nang tanunging ng GMANetwork.com kung ano ang natutunan niya sa Kara Mia.
"Example kapatid mo si Mia, tapos hindi kayo magkasundo, wag ka mag-give up kasi magiging okay din kayo."
May kakaibang kondisyon sina Kara at Mia dahil kahit mayroon silang dalawang mukha, naghahati sila sa iisang ulo at katawan.
Lumaki silang nagmamahalan ngunit nang magkaroon sila na kani-kanilang katawan, hindi napigilan ni Kara ang kasamaan ni Mia hanggang sa pinagtangkaan siyang patayin nito.
Pero sa huli, naging masaya pa rin ang pamilya nina Kara at Mia at natahimik ang kanilang buhay.
"Lagi namang may happy ending ang mga bagay-bagay," pagtatapos ni Barbie.
READ: Ang pagtatapos ng kuwento nina Kara at Mia
Sa pagtatapos ng Kara Mia, abangan ang mas pinatinding GMA Telebabad.
Mapapanood na ang Sahaya sa bago nitong timeslot pagkatapos ng 24 Oras. Susundan naman ito ng hottest primetime drama sa Pilipinas na The Better Woman.