What's on TV

Karelasyon: Boarder, balak ahasin ang mister ng landlady?

Published January 16, 2022 7:10 PM PHT

Around GMA

Around GMA

24 Oras Weekend Livestream: December 27, 2025
Purple Hearts Foundation brings joy via year-end gift-giving outreach
Davao police say boy’s injury not caused by firecrackers

Article Inside Page


Showbiz News

karelasyon characters


Sa nakaraang episode ng 'Karelasyon,' nangyari ang kinatatakutan ni Leni: ang maakit ng iba ang kanyang loving husband.

Nagbabalik-telebisyon ang kinagiliwan at pinag-usapang drama anthology na Karelasyon.

Sa nakaraang episode ng Karelasyon, natunghayan ang kuwento ng insecure wife na si Leni (Francine Prieto).

Knockout ang beauty ni Leni lalong-lalo na noong kabataan niya. Pero ngayong nagkaka-edad na siya at matagal nang may asawa, tila nakalimutan na niya ang kanyang sarili. Bagamat kitang-kita pa rin ang kanyang kagandahan, lumobo na siya at hindi na kasing seksi noong dalaga pa siya.

Kaya naman madalas ang kanyang timbang ang pinagmumulan ng kanyang insecurity lalo na at ang kanyang mister na si Tom (Gardo Versoza) ay gwapo at matipuno pa rin. Hindi pa nakakatulong ang pagiging lapitin ng mister sa mga babae sa boarding house na kanilang pinamamahalaan.

Mas lalong bumigat ang problema ni Leni sa pagpasok ng seksi at magandang bagong boarder si Maita (Roxanne Barcelo). Sa una pa lang, napansin na agad ni Leni ang mga katangian ni Maita na posibleng maka-attract sa kanyang asawa.

Ngunit ang mga agam-agam niya ay pansamantalang nawala nang kaibiganin siya ng magandang boarder. Si Maita pa nga ang nagtulak kay Leni na mag-diet at exercise. Pero sa likod ng magandang pakikitungo ni Maita, ay tipo pala talaga niya ang mga tulad ng asawa ni Leni.

Panoorin ang buong episode na pinamagatang 'Insecure Wife' sa video sa itaas.

Sa mga nais balikan ang full episodes ng Karelasyon, pumunta lang sa GMANetwork.com o GMA Network app.