
Mga Sangkap:
¼ or ½ kg talbos ng gabi
½ tasang dried dilis
2 pirasong bell pepper (red and green)
1 luya
1 tangkay ng tanglad
1 katamtamang laki na sibuyas
3-5 butil ng bawang
mantika
Knorr Ginataang Gulay Mix
Photo source: Knorr Nutri-Sarap Kitchen
Paraan sa pagluluto:
1. Pakuluan ang talbos ng gabi sa loob ng 10-15 na minuto o hanggang sa lumambot ito.
2. Sa isang kaldero naman, igisa ang sibuyas, bawang, bell pepper, at luya.
3. Ilagay ang tanglad, pinakuluang talbos ng gabi at dilis.
4. Tunawin sa tubig ang Knorr Ginataang Gulay mix at ihalo na rin sa niluluto.
Hayaang pang kumulo sa loob ng 5 pang minuto.
5. Ihain na may kasamang kanin.
3-4 servings