IN PHOTOS: Meet the sisters you will love in 'Las Hermanas'

Marami na ang nag-aabang sa 'Las Hermanas,' ang comeback project ng beteranong aktor na si Albert Martinez.
Gagampanan ni Albert ang mayaman at guwapong self-made businessman na si Lorenzo Illustre.
Makikilala ni Lorenzo ang magkakapatid na Manansala na sina Dorothy, Minnie, at Scarlet.
Magkakaiba ang ugali ng Manansala sisters. Dahil siya ang panganay, nasa ugali na ni Dorothy na gabayan ang kanyang mga nakababatang kapatid, lalong lalo na simula noong mamatay ang kanilang mga magulang.
Mapaghiganti naman si Minnie na gagawin ang lahat upang pigilan ang kanyang mga kapatid sa pagtupad ng kanilang mga pangarap.
Ang bunsong si Scarlet naman ay ambisyosa na umabot na sa puntong wala siyang pakialam sa mararamdaman ng kanyang mga kapatid basta't maabot niya ang kanyang mga pangarap.
Ano kaya ang magiging relasyon ni Lorenzo sa magkakapatid na Manansala?
Bago ang world premiere ng 'Las Hermanas,' mas kilalanin muna natin sina Dorothy, Minnie, at Scarlet Manansala dito.









