
Kahit nasa naka-lock-in taping para sa Las Hermanas, sinisigurado ng aktres na si Yasmien Kurdi na hands-on mom pa rin siya sa kanyang anak na si Ayesha.
Bukod sa video call, si Yasmien din ang nag-o-online shopping para sa mga kailangan sa bahay nina Ayesha at asawa niyang si Rey Soldevilla.
Kuwento ni Yasmien, "Ang bilin ko kay Rey na, siyempre, alagaan niya si Ayesha, 'yung mga kailangan sa bahay, sabihin niya sa akin para ma-online shopping ko."
"Tapos kailangan samahan niya lagi si Ayesha, laging kausapin kasi nga siyempre pandemic, so hindi pwedeng lumabas."
Dagdag pa ni Yasmien, upang hindi ma-bore si Ayesha ngayong summer vacation, in-enroll niya ito sa iba't ibang activities.
"Summer vacation din nina Ayesha ngayon sa school. Dahil bawal nga lumabas 'yung mga bata, ang mga in-enroll ako sa kanya na summer classes, activities online like voice lessons, French class, online gymnastics.
"Actually, itong pandemic na 'to, challenge siya para sa mga magulang na tulad ko kasi napi-feel ko na kailangan kong i-fill in 'yung gaps na nami-miss sa buhay niya.
"And most specially during these times, in our current situation, sa totoo lang, naa-appreciate ko talaga 'yung power of technology."
Makakasama ni Yasmien sa Las Hermanas sina Thea Tolentino, Faith da Silva, at ang batikang aktor na si Albert Martinez.
Abangan ang Las Hermanas, malapit na sa GMA Afternoon Prime!