GMA Logo Las Hermanas
What's on TV

Pilot episode ng 'Las Hermanas,' pinag-usapan ng mga manonood

By Aaron Brennt Eusebio
Published October 26, 2021 10:07 AM PHT

Around GMA

Around GMA

19 areas under Signal No. 1 as Wilma approaches Samar Island
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

Las Hermanas


Napanood niyo ba kung paano nagsimula ang istorya nina Dorothy, Minnie, at Scarlet sa 'Las Hermanas?'

Pinag-usapan online ang pilot episode ng pinakabagong drama ng GMA na Las Hermanas.

Sa unang episode kasi ng Las Hermanas ay nakita ng mga manonood kung paano pinatay ang ama ng magkakapatid na Dorothy (Yasmien Kurdi), Minnie (Thea Tolentino), at Scarlet (Faith Da Silva) na si Fernando (Leandro Baldemor).

Dahil sa mga pasabog na eksenang ito, trending sa ika-apat na pwesto ang official hashtag ng show na #LasHermanasWorldPremiere.

Komento naman ng ilang netizens, talagang aabangan nila araw-araw ang Las Hermanas dahil bukod sa magandang istorya nito, magagaling rin ang mga aktor.

Tweet ng isa, "Bukod sa magandang kwento ng Las Hermanas napaka gaganda ng mga bida walang tapon CHAMPION!!!"

Mapapanood ang Las Hermanas, Lunes hanggang Biyernes, sa GMA Afternoon Prime pagkatapos ng Eat Bulaga.

Samantala, kilalanin pa ang mga bida ng Las Hermanas dito: